Muling nagsanib-pwersa ang BDO Unibank (BDO) at SM Supermalls sa pagbibigay ng parangal sa Overseas Filipinos sa pamumuno ng Department of Migrant Workers (DMW) & Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ginanap kamakailan sa DMW office sa EDSA-Ortigas Avenue, Mandaluyong City,
SM North EDSA at SM City Bacolod ang Migrant Workers’ Day celebrations, kung saan nagbigay ng saya ang BDO at SM Supermalls kasama ang mga komedyanteng sina MC at Lassy. Nagpa-games, namigay ng prizes, at naghatid ng kaalaman sa financial education ang BDO representatives at kung paano makakatulong ang BDO sa kanilang mga financial goals.
“Pinapahalagahan ng BDO ang Overseas Filipinos dahil naiintidihan namin ang sakripisyo nila para sa pamilya. Kaya naman sinisiguro namin ang mabilis at maaasahang remittance para sa beneficiaries nila, pagbibigay ng financial lessons or tips at access sa aming mga produkto nang sa gayon ay matulungan namin sila na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Laging naka-suporta ang BDO sa kapakanan ng mga kabayan natin at nagiging posible ito sa tulong ng DMW & OWWA”, ayon kay BDO Remittance SVP & Head Genie Gloria.
Ayon naman kay Joaquin San Agustin, SVP for Marketing ng SM Supermalls, “Ang collaboration ng BDO at SM Supermalls ay isang pagpupugay sa ating mga Overseas Filipinos at kanilang pamilya. Bilang mga minamahal naming mga customers, gusto namin silang maging masaya. Ito ang aming munting paraan upang maipakita ang pagkilala sa mga naging sakripisyo ng ating mga OFWs. Mabuhay ang ating mga modern Filipino heroes!”
Bukod sa events sa DMW office, SM North EDSA & SM City Bacolod, ginanap din ang Migrant Workers’ Day celebrations sa SM Puerto Princesa, SM City Iloilo, at SM City Davao (Ecoland) at SM City Tuguegarao. May mga off-mall activities din na ginanap sa Clark, Pampanga; Bacoor, Cavite; at sa Libmanan, Camarines Sur.