Uncategorized

Maging sa sports o negosyo, solid partnership ang kailangan – Hidilyn Diaz

By February 16, 2022No Comments

BILANG isang atleta, alam ni 2020 Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kung gaano kahalaga ang magkaroon ng epektibong team na gumagabay sa kanya, lalo na sa isang individual sport tulad ng weightlifting.

Sa oras ng laban, walang ibang sasandalan si Hidilyn kundi ang sarili niya. Subalit malaking tulong din ang nabibigay ng mga coaches at trainers niya sa bawat paghahanda niya sa mga competition.

Sa larangan ng pagnenegosyo, ganito rin ang diskarte ni Hidilyn. Kabilang sa mga reward na natanggap ni Hidilyn mula sa ilang Philippine corporations sa pagkapanalo niya ng Olympic gold ay mga business franchise tulad ng dalawang outlets ng Chick ‘N Juicy chicken rotisserie franchise. Ang isang outlet ay nasa Eastwood, Quezon City samantalang ang isa naman ay nasa hometown ni Hidilyn sa Zamboanga.

Aminado siya na importante na magkaroon ng partner-bank na mayroong kakayanan at magandang track record na tumulong sa mga micro, small and medium entrepreneur (MSME) na tulad niya. Isa na rito ang pag-extend ng partner-bank ng loans na magagamit ng MSME sa pag-expand ng business nila.

“Naalala ko yung sinabi ng teacher ko sa entrepreneurship noon, na okay lang na mag-loan sa bangko para sa business,” ayon kay Hidilyn. “Wag tayong matakot na mag-loan sa bangko para sa pag-expand ng business, imbes na gamitin natin yung inipon nating pera para dito. Para at least may mahuhugot pa tayo sa oras ng emergency.”

Bukod sa kanyang mga business franchise, nais din ni Hidilyn na magkaroon ng Hidilyn Diaz Weightlifting Academy at magtayo ng isang cafe.

“I’m hoping na magawa ito, kailangan talaga ng funding for this business,” dagdag niya. “Importanteng magkaroon ng magaling na partner-bank na gagabay sa ‘yo though their loans at pati na rin sa mga importanteng business advice na binibigay nila.”

Isa ang BDO Network Bank na masigasig na gumagabay sa mga MSME sa kanilang negosyo sa probinsya. Sa tulong ng Kabuhayan Loan ng BDO Network Bank, magagamit ng mga MSME ang pondo para makapag-expand ng kanilang negosyo.

Paano Nakatulong ang BDO Network Bank sa mga MSME

Ganito ang ginawa ni Aling Merlinda Coronado, isang MSME at BDO Network Bank client mula sa Nagcarlan, Laguna. Sa tulong ng Kabuhayan Loan, nakabili ng additional stocks si Aling Merlinda para sa kanyang negosyo, at truck at jeepney para sa kanyang mga delivery.

Sa kasalukuyan, mayroong 15 empleyado si Aling Merlinda na umaasa sa negosyo niya para suportahan ang kani-kanilang pamilya. Kabilang din si Ernesto Abad na ginamit ang proceeds ng Kabuhayan Loan para sa pag-expand ng kani-kanilang business.

Dahil sa lockdown dulot ng pandemya, muntik nang mapilitang isara ni Ernesto ang tindahan nila sa palengke. Subalit sa tulong sa Kabuhayan Loan, nakabili pa ng karagdagang paninda si Ernesto at patuloy niyang naitataguyod ang negosyo nila.

Conclusion

Masugid na partner ng mga MSME ang BDO Network Bank para sa kanilang business expansion. Para ma-avail ang Kabuhayan Loan, kailangang may existing business na ang borrower sa huling tatlong taon.

Para sa karagdagang impormasyon sa Kabuhayan Loan at iba pang produkto’t serbisyo ng BDO Network Bank, bisitahin ang official website ng BDO Network Bank o ang official Facebook page nito.

Jerico Saquing

Jerico Saquing

Jerico is the founder of Peso Hacks. He's also a freelance writer who specializes in topics related to finance, travel and games. In his spare time, he likes to watch anime, play mobile games and read books.

Leave a Reply